Sa Panahon ng Pangangailangan
Magsilapit nga tayong may Pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at makasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahaon ng pangangailangan. Hebreo 4:16 Sa panahon ng pangangailangan, ano ang unang una mong gagawin? Pupuntahan mo ba ang iyong mga kaibigan o kaya mga kamag-anak baka sakaling tulungan ka nila? o kaya ay babalikan mo ang mga taong may utang na loob sa iyo? Paano kung wala at ikaw lagi ang may utang na loob? naloko na! O pipigain mo ang utak mo para ibuhos ang iyong galing at gagawa ka ng diskarte? Ito ang nakakalungkot sa ating mga tao sa subrang galing natin ay marami tayong naiisip na paraan pero pag bigo na ang lahat at alam nating wala na tayong magagwa saka natin maiisip na lumapit sa Diyos! Ang paalala sa atin ng banal na kasulatan tayo ay lumapit sa kanya sa panahon ng pangangailangan dapat siya lagi ang una at hindi last choice lang. Ang diyos ang ating Ama na nasa langit at bilang ka...