Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2020

Pinalaya ng Katotohanan

Imahe
Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang ang magpapalaya sa inyo. Juan 8:32 Mayroong isang Astronomer at Scientist na nakasaksi sa paggalaw ng mga planeta sa kalawakan. Nakita niya ito sa pamamagitan ng kanyang sariling pagmamasid gamit ang kanyang teleskopyo. Napatunayan niya na tama ang paniniwala ni Nicolaus Copernicus na ang araw ay nasa sentrong bahagi ng isang Sistema at iniikutan ng mga planeta. Sa kaniyang kasiyahan sa bagong nadiscover ibinalita niya ito sa kanynag mga kaibigan at kakilala na mga taong may posiyon sa lipunan at simbahan. Nungit ang balitang ito ay hindi kinasiya ng mga nakapakinig at sa huli ay naging dahilan pa ito upang siya ay paratangan na nagbibigay ng maling paniniwala at kumakalaban sa paniniwala ng Simbahan. Nang mga panahong iyon naniniwala ang simbahan na ang mundo ang nasa pinaka gitna ng lahat ng mga planeta at ang lahat ng nasa paligid nito ay umiikot sa kanya.            ...

Kahalagahan ng Pakikinig.

Imahe
Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.   Roma 10:17      Ang mga sundalo ay sinanay na sumunod sa utos ng kanilang opisyal kaya naman kahit sila ay nasa digmaan hindi nila inaalis ang kanilang pakikinig sa kanilang mga leader. Kung ang leader ay mag bigay ng command na open fire lahat ng sundalo ay magpapaputok ng kanilang baril. Kung siya ay magcomand ng retreat lahat ay dapat umatras ayon sa plano kung saan sila pupunta. Isipin mo kung ang isang sundalo ay hindi nakikinig at hindi niya akalain na ang kanyang mga kasama ay naka atras na. ano kaya ang mangyayari sa kanya kung siya na lang ang maiiwang mag-isa?      Tayo din po ay maihahalintulad sa mga sundalo na nasa kalagitnaan ng labanan. Labanan sa pagitan ng mabuti at masama. Ang ating Commander ay ang ating Panginoong Jesus at sa kanya tayo makikinig kung ano ang kanyang iuutos. Ang kaibahan lang si Cristo ang lumalaban par...

Hilingin ang kanyang kalooban.

Imahe
                                                                                                                                                      At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalagin, na may pananampalataya, ay inyong tatangapin. Mateo 21:22     Isang araw ng Sabado. Habang ako ay nagtuturo ng Sabbath School Lesson sa ating simbahan ay mayroong isang kabataang babae na nagmamadali at papalapit sa akin. Siya ay hingal na hingal at kaniyang sinabi ang isang masamang balita na ang aming kapatid sa pananampalataya ay p...