Sa Panahon ng Pangangailangan
Magsilapit nga tayong may Pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at makasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahaon ng pangangailangan. Hebreo 4:16
Sa panahon ng pangangailangan, ano ang unang una mong gagawin? Pupuntahan mo ba ang iyong mga kaibigan o kaya mga kamag-anak baka sakaling tulungan ka nila? o kaya ay babalikan mo ang mga taong may utang na loob sa iyo? Paano kung wala at ikaw lagi ang may utang na loob? naloko na! O pipigain mo ang utak mo para ibuhos ang iyong galing at gagawa ka ng diskarte? Ito ang nakakalungkot sa ating mga tao sa subrang galing natin ay marami tayong naiisip na paraan pero pag bigo na ang lahat at alam nating wala na tayong magagwa saka natin maiisip na lumapit sa Diyos!
Ang paalala sa atin ng banal na kasulatan tayo ay lumapit sa kanya sa panahon ng pangangailangan dapat siya lagi ang una at hindi last choice lang. Ang diyos ang ating Ama na nasa langit at bilang kaniyang mga anak nauunawaan niya tayo sa lahat ng ating mga kahinaan. sa ating paglapit ay may kasiguraduhan tayo na tayo ay kaniyang pakikingan at tutulungan (Mateo 7:11). Siya na mismo ang nagsabi na ang sinomang lumalapit sa kanya sa anomang paraan ay hindi niya itataboy. (Juan 6:37)
Sa aking karanasan, naranasan ko din na ako ay mangailangan. Noong ako ay sumali sa voice of youth. Kung saan ay mangangaral kami sa malayong lugar sa loob ng dalawang linggo. Pagbalik ko sa aming paaralan wala na akong trabaho. malungkot na balita iyon para sa mga working student na katulad ko, dahil kung wala na akong trabaho ay hindi na rin ako makakapag-aral dahil wala naman akong pera pambayad sa mataas na halaga ng matrekula, wala naman akong ibang pwedeng lapitan dahil wala naman akong ibang kakilala sa lugar na iyon maliban lang sa mga kapwa ko din estudyante.
Ang una kong ginawa ay nanalangin ako sa isang park sa loob ng aming campus na kung tawagin ay friendship park. doon ako madalas manalangin sapagkat tahimik at maaliwalas sa lugar na iyon. pagmulat ng aking mata ay nakita ko sa aking harapan ang aking kaibigan, nakangiti siya at sinabi niyang diba kailangan mo ng trabaho? punta ka sa cafeteria kailangan nila ngayong ng isang worker. nang mga oras na iyon ay napahanga ako sa Diyos sapagkat alam talaga niya ang ating kahilingan at handa siyang tumugon sa panahon ng pangangailangan. ano kaya kung hindi ako nanalangin at ang una kong ginawa ay maghanap ng paraan? malamang hindi ako nagkatrabaho. Naniniwala ako na hindi iyon nataon lang o masasabing hindi inaasahan. plano yun ng Diyos! Dinala niya ako sa lugar na iyon upang manalangin dahil doon din pupunta ang taong naghahanap sa akin. ang aking panalangin ay sinagot niya agad, nagkatrabaho ako dahil sa tulong niya.
Ang aking karanasan na iyon ay laging nagpapaalala sa akin na magbuti ang Diyos siya ay laging handa upang tayo ay tulungan sa panahon ng pangangailangan, marunong ang Diyos alam niya kung kailan siya sasagot at kung ano ang pinaka the best para sa atin. ang kailangan lang lumapit tayo sa kaniya, humiling at sumampalataya. Mas nais niya na madama natin na kailangan natin siya at magkaroon tayo ng relasyon sa kaniya, hindi pansamantala kundi panghabang buhay na relasyon at pag-ibig sa kaniya.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento