Pinalaya ng Katotohanan
Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang ang magpapalaya sa inyo. Juan 8:32
Mayroong isang Astronomer at
Scientist na nakasaksi sa paggalaw ng mga planeta sa kalawakan. Nakita niya
ito sa pamamagitan ng kanyang sariling pagmamasid gamit ang
kanyang teleskopyo. Napatunayan niya na tama ang paniniwala ni Nicolaus
Copernicus na ang araw ay nasa sentrong bahagi ng isang Sistema at iniikutan ng
mga planeta. Sa kaniyang kasiyahan sa bagong nadiscover ibinalita niya ito sa
kanynag mga kaibigan at kakilala na mga taong may posiyon sa lipunan at simbahan.
Nungit ang balitang ito ay hindi kinasiya ng mga nakapakinig at sa huli ay
naging dahilan pa ito upang siya ay paratangan na nagbibigay ng maling
paniniwala at kumakalaban sa paniniwala ng Simbahan. Nang mga panahong iyon
naniniwala ang simbahan na ang mundo ang nasa pinaka gitna ng lahat ng mga planeta
at ang lahat ng nasa paligid nito ay umiikot sa kanya.
Sa pagdinig
sa kanyang kaso, madiin na pinagtangol ni Galilieo ang kanyang paniniwala at
inanyayahan pa niyang ang lahat ay sumilip sa kanyang teleskopyo at obserbahan
ang galaw ng mga planeta. Ngunit halos lahat ay ayaw sumilip meron mang iilan
ngunit madiin pa rin na tinututulan ang kanyang pinapatunayan.
Sa huli ay walang nagawa si Galileo kundi bawiin ang kanyang
mga paniniwala sa takot na rin na maparusahan ng mabigat o ng parusang kamatayan.
Hangang siya ay nahatulan na lamang ng habang buhay na pagkabilango sa sarili
niyang tahanan, hangang sa kanyang kamatayan.
Sa ating buhay Cristiyano ay nagiging katulad tayo ng mga
tauhan sa kwentong ito. Nagiging Galileo Galili ka rin ba matapos na malaman mo
ang katotohanan ay sabik ka na ibalita ito sa iyong mga mahal sa buhay at
kaibigan? Pero pag tayo ay tinutuligsa na sa ating mga nalaman, natatakot na
tayong ipagpatuloy ito at tinatalikuran na natin dahil baka tayo ay pagtawanan
at tuksuhin kung iba na ang ating paniniwala at ginagawa. Nariyan narin ang
takot sa ating mga kamag-anak kung tayo ay mag-iiba ng reliheyon na baka tayo
ay kanilang talikuran at ituring na hindi kakilala. Yung iba naman mismong sila
na ang tumatalikod sa katotohanan lalo na pag nakita nilang may mawawala na
kapakinabangan. Pero kung ating tatalikuran si Jesus sa palagay mo magiging Malaya
kaba sa kasalanan? Tiyak ko na hindi maganda ang pakiramdam kung araw araw kang
inuusig ng iyong kunsensya dahil hindi ka nanindigan sa katotohanan. Meron namang
mga tao na katulad ng mga tumutuligsa kay Galilieo. Kung ano lang ang tinuro sa
kanila para sa kanila yun na ang tama at hindi na mababago iyon. Sinasarado na
nila ang kanilang pag-iisip at hindi man lang nila binibigyan ng pagkakataon ang
sarili para silipin ang Biblia at alamin kung tama nga ba ang mga tinuro sa
kanila at ang kanilang mga pinaniniwalaan.


Ang katotohanang ito ay si Kristo lamang. Siya ang magpapalaya sa atin sa kasalanan. Thank you for sharing
TumugonBurahin