Pinalaya ng Katotohanan



Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang ang magpapalaya sa inyo. Juan 8:32

Mayroong isang Astronomer at Scientist na nakasaksi sa paggalaw ng mga planeta sa kalawakan. Nakita niya ito sa pamamagitan ng kanyang sariling pagmamasid gamit ang kanyang teleskopyo. Napatunayan niya na tama ang paniniwala ni Nicolaus Copernicus na ang araw ay nasa sentrong bahagi ng isang Sistema at iniikutan ng mga planeta. Sa kaniyang kasiyahan sa bagong nadiscover ibinalita niya ito sa kanynag mga kaibigan at kakilala na mga taong may posiyon sa lipunan at simbahan. Nungit ang balitang ito ay hindi kinasiya ng mga nakapakinig at sa huli ay naging dahilan pa ito upang siya ay paratangan na nagbibigay ng maling paniniwala at kumakalaban sa paniniwala ng Simbahan. Nang mga panahong iyon naniniwala ang simbahan na ang mundo ang nasa pinaka gitna ng lahat ng mga planeta at ang lahat ng nasa paligid nito ay umiikot sa kanya.             

                Sa pagdinig sa kanyang kaso, madiin na pinagtangol ni Galilieo ang kanyang paniniwala at inanyayahan pa niyang ang lahat ay sumilip sa kanyang teleskopyo at obserbahan ang galaw ng mga planeta. Ngunit halos lahat ay ayaw sumilip meron mang iilan ngunit madiin pa rin na tinututulan ang kanyang pinapatunayan.

Sa huli ay walang nagawa si Galileo kundi bawiin ang kanyang mga paniniwala sa takot na rin na maparusahan ng mabigat o ng parusang kamatayan. Hangang siya ay nahatulan na lamang ng habang buhay na pagkabilango sa sarili niyang tahanan, hangang sa kanyang kamatayan.

Sa ating buhay Cristiyano ay nagiging katulad tayo ng mga tauhan sa kwentong ito. Nagiging Galileo Galili ka rin ba matapos na malaman mo ang katotohanan ay sabik ka na ibalita ito sa iyong mga mahal sa buhay at kaibigan? Pero pag tayo ay tinutuligsa na sa ating mga nalaman, natatakot na tayong ipagpatuloy ito at tinatalikuran na natin dahil baka tayo ay pagtawanan at tuksuhin kung iba na ang ating paniniwala at ginagawa. Nariyan narin ang takot sa ating mga kamag-anak kung tayo ay mag-iiba ng reliheyon na baka tayo ay kanilang talikuran at ituring na hindi kakilala. Yung iba naman mismong sila na ang tumatalikod sa katotohanan lalo na pag nakita nilang may mawawala na kapakinabangan. Pero kung ating tatalikuran si Jesus sa palagay mo magiging Malaya kaba sa kasalanan? Tiyak ko na hindi maganda ang pakiramdam kung araw araw kang inuusig ng iyong kunsensya dahil hindi ka nanindigan sa katotohanan. Meron namang mga tao na katulad ng mga tumutuligsa kay Galilieo. Kung ano lang ang tinuro sa kanila para sa kanila yun na ang tama at hindi na mababago iyon. Sinasarado na nila ang kanilang pag-iisip at hindi man lang nila binibigyan ng pagkakataon ang sarili para silipin ang Biblia at alamin kung tama nga ba ang mga tinuro sa kanila at ang kanilang mga pinaniniwalaan.



 Ang paalala sa atin ng Bibliya kung nais nating makalaya sa mga maling paniniwalang ito ay kilalanin natin ang katotohanan, at ang katotohanang ito ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesus. Siya lamang ang dapat nating maging gabay hindi ang mga tao na magagaling sa ating paligid sapagkat sila ay may mga kahinaan din at maari din silang magkamali. Kung sila ay maligaw dahil sa maling pagpapakahulugan sa mga talata ng Biblia ay maaring na rin tayong maligaw kasama nila. Ngunit kung ang ating pagtitiwala ay na kay Cristo at siya ang ating sinusundan kailan man ay hindi tayo maliligaw at hindi tayo lalakad sa dilim sapagkat siya ang katotohanan at siya ang liwanag ng sanlibutan.

Mga Komento

  1. Ang katotohanang ito ay si Kristo lamang. Siya ang magpapalaya sa atin sa kasalanan. Thank you for sharing

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Disiplina ng Pag-ibig ng Diyos

May Magandang Plano ang Diyos

Hindi Ka Pababayaan ng Diyos